Ako nga pala si Tsoy(hindi tunay na pangalan) panganay na anak sa limang magkakapatid. Ang aking kwento ay tungkol lamang sa aking buhay na walang patutunguhan......
Nanay naman, alas siete pa nga ang pasok e, ingay ingay, kala mu walang natutulog. Sarap pa naman sana ng panaginip ko. Bwisit! Pag dadabog ko sa subrang inis, pero di narin bago sakin ang mga ganitong pangyayari.
Ikaw sasagot sagot kana, di ka pa nga nakapagtapos ng pag aaral ay ganyan kana kung sumagot. Hoy Tsoy kung ayaw mu mag aral sige tumigil ka. Ani ni nanay na mukhang galit na yata. Hindi nako na imik at nag patuloy na lamang sa banyo. Putakti naman tong ipis na to nililips to lips pa ang toothbrush ko (gigil habang nandidiri). NAY IBILI MU NGA AKO NG TOOTHBRUSH, DUMI NA KASI DINILAAN NG HAYOP MONG ALAGANG IPIS! Sigaw ko kay nanay sa kusina..
ABA ISANG BUWAN PALANG NAKALIMANG TOOTHBRUSH KANA! Sagot ng nanay na naiirita na talaga, hehehe.
Nakatapos nkung maligo, kumain at nka handa nang pumasok sa school.
Tamang alas siete akong dumating kasi halos ayaw kumilos.
CLASS, good morning. May bago kayong kaklasi ngayon, si Bhel. Wag kayo mag aaway away CLASS ha!.. (yes mam sagot naman namin).
Subra akong namangha saking nakita na tila ba parang prinsisa. Gusto ko sya kausapin, gusto ko hawakan sa kamay, gusto ko sya ligawan at gusto ko sya hal....(tok).., ARAY!
HOY ANU BA TSOY KANINA PAKO DITO NAG TUTURO TAPOS IKAW, NAKALAWIT YUNG LAWAY SA KAKATINGIN MU KAY BHEL.! sigaw na titster kong mukhang sardinas ang mukha, binato pako ng chalk.. tagal ko palang nag iilusyon, hahahaha tawanan ng mga istudyanteng akala mu tatalino!
HOY ANU BA TSOY KANINA PAKO DITO NAG TUTURO TAPOS IKAW, NAKALAWIT YUNG LAWAY SA KAKATINGIN MU KAY BHEL.! sigaw na titster kong mukhang sardinas ang mukha, binato pako ng chalk.. tagal ko palang nag iilusyon, hahahaha tawanan ng mga istudyanteng akala mu tatalino!
Lumipas ang ilan oras at! Ayon reces na nga kainan na naman to. Dali dali naman akong tumakbo ng canteen para mangutang, pero nag tataka lang ako. Bat parang walang estudyante! PRRRRRRRRRRT! IKAW SAN KA PUPUNTA?, SAN KA GALING, ANUNG GINAGAWA MU DITO? sigaw ng gwardyang kalbo.
Bat ang dami mung tanung? At bat mu ko sinisigawan ha? Porket ba may baril ka? Pupunta ako ng canteen para mangutang ng makakain, UNDERSTOOD?! Payabang kong sabi sa tao. Heheh
GAGO KA PALA E, MANGUNGUTANG KA? KANINU? KITA MU TAYO NALANG TAO DITO. TSOY NATUTULOG KANA NAMAN, KAGIGISING MU LANG? ORAS NG KLASI TULOG KA? aniyay mataas na ang boses.. susmio tulog pala ako kanina, ibig sabihin panaginip lang yung ring! Medyo kabado na nag iisip. Huhuhu maga na naman pwit ko sa palo. At ayon di nga nag kamali.
Pag dating sa bahay, pag bukas ko ng pinto, (blakkkkkkkkkk) umiikot ikot yung paningin ko sa lakas ng pagkakabatok ni tatay,
Ikaw bata ka ha. Talagang di ka nag bago, simula noun lagi kang late pag umuuwi! Galit na galit na si tatay at yung sinturon nyang purong balat naka handa na sa kaliwang kamay. Dad, relax. Let me explain! Di pa nga ako tapos saking sasabihin ay lumilipad na ang dulo ng sinturon saking pwit!
DIOS KO MAY PA DAD DAD DA KAPANG NALALAMAN, LET ME EXPLAIN PALA ha? ITONNNNNNG SAYOOOOOOOO. KAA MEEEE KAAAA MEEEEEE WEEEEEEEEEEEEE! (pllllllaaaaakkk, plak, bog,boshhhhh)
At tumama nga saking mukha ang power punch ng tatay kong losser! Pero siempre knock out nku nun. D ko nga alam kung nakapag hapunan ako e.
......to be continue......